Kylie copy copy

MAY panibagong aabangan ang mga tagahanga ni Kylie Jenner.

Nitong Lunes, inihayag ng E! na magiging bida at magiging executive producer ang 19-anyos sa kanyang sariling reality show na Life of Kylie, na may walong episode at ipapalabas ngayong summer.

Ayon sa press release, susundan si Kylie ng mga camera sa kanyang buhay bilang “entrepreneur, fashion designer, author, television star, style icon, at CEO/Founder ng Kylie Cosmetics” pati na rin ang kanyang personal na buhay kabilang ang pakiki-hang out sa malapit na kaibigang si Jordyn Woods at sa kanyang sikat na pamilya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“The last couple years have been such an incredible journey with the support of my fans,” pahayag ni Kylie. “This show will allow me to give them a peek inside all of the exciting things I am working on as well as some personal time with friends.”

“Kylie’s beauty, business savvy and fashion icon status have made her one of the most famous and successful young woman on the planet,” ani Jeff Olde, executive vice president of programming and development ng E!.

“Kylie has achieved so much at such a young age and we know the E! audience will be thrilled now that she is ready to share an inside look at her everyday life.”

Magsisilbi ring executive producers ng show sina Ryan Seacrest at Kris Jenner. Hindi naiwasang ng 61-anyos na ina ni Kylie na mag-tweet tungkol sa kanyang excitement para sa kanyang bunso. “Congrats @KylieJenner!!! #LifeofKylie coming this summer!!! #proudmama,” aniya.

Ang Life of Kylie ang pinakabagong serye na pagbibidahan ng isa o higit pang miyembro ng Kardashian-Jenner. Itinampok din si Caitlyn Jenner sa dalawang season ng kanyang sariling reality show na I Am Cait, at naging mentor naman ang half-sister ni Kylie na si Khloe Kardashian sa Revenge Body with Khloe Kardashian. (ET Online)