Nadakip ng awtoridad ang dalawang Koreano na umano’y matagal nang wanted sa Korea sa magkahiwalay na operasyon sa isang hotel sa Makati at Parañaque City, nitong Linggo ng gabi.

Sa tulong ng Korean Embassy sa Maynila, naaresto sina Ma Yoonsik at Jeon Eung Shik, kapwa nasa hustong gulang.

Sa ulat ng pulisya, unang nahuli si Ma Yoonsik sa Shangri-La Hotel sa Makati City.

Napag-alaman na paso na ang pasaporte ni Yoonsik at nahaharap sa kasong fraud at paglabag sa door-to-door sales na nagkakahalaga ng P1.7 trilyon sa Korea.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Samantala, nahuli naman si Jeon Eung Shik sa Solaire Resort and Casino na nasa Aseana Drive, Parañaque City.

Si Shik ay may nakabimbin umanong warrant of arrest dahil sa kasong pagpatay.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang Koreano habang inaasikaso ang kanilang mga papeles pabalik sa Korea. (Bella Gamotea)