BILANG paggunita sa Kuwaresma, isang espesyal na ASAP LSS segment ang mapapanood ngayong tanghali at bibigyang-buhay nina Zsa Zsa Padilla, Alex Medina, at Kim Chiu ang nakakaantig na mga kuwento ng napiling Kapamilya.

 

Bibigyang-pugay din sa “ASAPinoy” ang nakaka-inspire na mga awitin ni Jaimie Rivera sa pamumuno ni Martin Nievera kasama sina Gino Padilla, Noel Cabangon at ilan sa mga magagaling na mang-aawit ng ASAP.

 

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Abangan din ang sorpresang hatid ng King and Queen of Hearts at bida ng Can’t Help Falling in Love na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at ng pinagsamang puwersa ni Sarah Geronimo at ng ASAP BFF5 na sina Maris Racal, Ylona Garcia, Andrea Brillantes, at Kira Balinger.

 

Isang kakaibang dance treat ang handog nina Enchong Dee, Elmo Magalona, at Maja Salvador samantalang makikisali naman ang BoybandPH sa summer jamming ng Soul Sessionistas na sina Kyla, Jason Dy, Jay-R, at Daryl Ong.

 

Tuluy-tuloy naman ang party sa paghataw ni Maja Salvador sa MOBE dance craze kasama sina Elmo, Elisse Joson, Ronnie Alonte, Mavy at Cassy Legaspi, Vivoree Esclito, Bugoy Cariño, at Gimme 5—Nash Aguas, Grae Fernandez, Brace Arquiza, Joaquin Reyes at John Bermundo.

 

Magpapaalam naman sa kanilang mga manonood ang cast ng The Greatest Love na sina Nonie Buencamino, Dimples Romana, Andi Eigenmann, Arron Villaflor, at Ms. Sylvia Sanchez.

Siguraduhing nakatutok sa ASAP ngayong tanghali sa ABS-CBN o ABS-CBN (SkyCable Channel 167).