Sharon copy

MAY update si Mario Dumaual ng TV Patrol sa matagal nang inaabangang reunion movie nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Ito ang post ni Mario sa Instagram, “Statement of Gabby Concepcion on pending reunion movie with Sharon Cuneta.

Released April 6, 2017 thru Therese Ramos, Gabby’s manager:

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

“Gabby Concepcion has always wanted to do a movie with Sharon Cuneta. However due to his tight schedule and current commitments it will not be possible anytime soon. We will study our option in 2018.”

Tuluyan nang nasarhan ang posibilidad na mapanood ang pelikula nila ngayong taon kaya nalungkot ang mga nag-aabang na die-hard supporters ng Sharon-Gabby tandem.

Agad din namang nag-apologize ang Megastar tungkol dito sa pamamagitan ng kanyang FB account. Post naman niya:

“Thanks for all your prayers and I am sorry it’s not pushing through.”

Sa kabilang banda, nabanggit ni Sharon na may iba siyang movie project na gagawin pero hindi binanggit kung sino ang leading man.

“But please be happy for me -- because I am very happy with my new project which Star Cinema is now preparing! God bless us all. Good night and love you guys!”

Hmmm, hindi kaya si Robin Padilla ang makakasama ni Sharon sa bago niyang project sa Star Cinema?

Nagpahayag kasi kamakailan ang aktor na willing siyang gumawa ng pelikula kasama ang ‘Ma’am Sharon’ niya na may malaking utang na loob siyang tinatanaw, nang pumayag itong gawin nila ang Maging Sino Ka Man (1991) kahit baguhan pa lang siya noon.

Naging daan ang naturant pelikula para sumikat nang husto si Binoe.

Nasundan ang pelikula nilang iyon ng Pagdating ng Panahon noolng 2001.

Abangan na lang natin kung sina Sharon at Robin nga ang igagawa ng reunion movie ng Star Cinema. (REGGEE BONOAN)