PINADAPA ng Far Eastern University ang Adamson University, 5-1, upang makabalik ng Final Four ng UAAP Season 79 men’s football tournament sa larong ginanap sa Moro Lorenzo Field nitong Huwebes.

Umiskor ng dalawang goal si Alex Rayos upang ihatid ang Tamaraws sa susunod na round bilang ikatlong semifinalist.

Naunang umiskor si Val Jurao na agad sinundan ni Rayos sa ika-66 at ika-67 minuto bago inasistihan ni Jurao si Rayos’ para sa second goal nito sa ika-71 minuto na sinundan naman ni Justin Calamba sa ika-83 minuto.

Mayroon na ngayong 22 puntos, humanay ang FEU sa mga nauna nang semifinalists Ateneo at defending champion University of the Philippines.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Naiwan namang nag-aagawan para sa huling semis berth, ang University of Santo Tomas (17), National University (16) at La Salle (15).

“To be honest, we weren’t looking at returning to the Final Four after this match. We were really working on, like I said from the start, on our system,” pahayag ni Tamaraws coach Vince Santos.

Naunang umiskor ng goal ang Falcons nang itala nila ang pinakamabilis na goal ng season na nagawa sa ika-35 segundo pagkaraang simulan ang laro sa pamamagitan ni Ejike Ugwoke bago naitabla ng Tamaraws’ ang laro makalipas ang ikatlong minuto sa pamamagitan ni Michael Menzi. (Marivic Awitan)