Umarangkada kahapon ang “Tokhang on Wheels” ng Valenzuela Police. Sa pangunguna ni P/ Sr. Supt. Ronaldo O. Mendoza, umikot sa Barangay Arkong Bato ang closed van ng PNP upang kumbinsihin ang mga sangkot sa droga sumuko na at tigilan ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ang “Tokhang on Wheels” van ay fully-air-conditioned, may wi-fi at computer. Sakay nito ang mga tauhan ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD) na mag-aasiste sa mga bata at babae, at kinatawan ng City Hall.

“Natatakot kasi yung ibang residente pag sa gabi o madaling araw nag-sasagawa ng “Oplan Tokhang,” kaya naisip namin na sa umaga at least nakikita ng publiko na lehitimong mga pulis at ‘yung hindi naka-bonnet o naka-face mask,” paliwanag ni Mendoza. (Orly L. Barcala)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'