NAGSALITA na si Kiefer Ravena tungkol sa sex scandal na kinasangkutan at nag-sorry sa mga nasangkot sa controversy.

Sa interview ng Spin Ph, nag-sorry si Kiefer sa mga mahal niya sa buhay. Kabilang sa hiningian ni Kiefer ng sorry ay ang parents niya, mga kapatid at ang girlfriend niyang si Alyssa Valdez.

“Whatever conversation I entertained, I made a mistake in doing so, I’m really sorry for what happened. It’s something I really regret doing it messed up a lot of people’s lives, not just mine. Kasi mas nahihiya ako du’n sa mga naabala kong tao more than anything else,” paunang sabi ng basketball star.

Ang nag-viral na sex video ni Kiefer ay nauwi sa pagkakahuli sa isang lalaking nang-extort sa kanya sa entrapment operation last week.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dagdag ni Kiefer, matagal na niyang gustong magsalita, pero hindi muna niya ginawa dahil may basketball pa.

Pinagsisisihan niya ang pag-entertain sa hindi kakilala sa online chat at ang pagpi-flirt nito.

“Pero gusto ko mag-apologize, very sorry sa pag-entertain ko na nauwi sa ganitong pangyayari. I want to apologize sa parents ko na ‘di nagkulang sa pangaral sa akin.

“Sa mga kapatid ko naman na na-affect sa nangyari, gusto ko mag-sorry sa kanila bilang kuya na ni-look up nila.

Nagkulang ako sa aspect na ‘yun.

“Of course, nag-sorry ako kay Alyssa. I have no excuse for what happened. Sa sobrang bait mong tao, ‘di ka dapat nalagay sa ganitong situation. Sa fans niya rin, alam ko marami nagalit, pasensiya na. Sana mapatawad n’yo ako,” ani Kiefer.

Nag-sorry rin si Kiefer sa kanyang manager, relatives at sa fans na siguradong mabilis siyang napatawad.

(NITZ MIRALLES)