Bigong mapagbotohan sa deliberasyon ng Supreme Court En Banc sa Baguio City ang kontrobersyal na kaso ng Torre De Manila at muling itinakda ang pagtatalakay dito sa Abril 25.

Nagsampa ng asunto ang Knights of Rizal noong 2014 para mapagiba ang itinatayong gusali na binansagang “pambansang photobomber” dahil sinisira umano nito ang tanawin sa Rizal Monument sa Luneta Park. Nahinto ang konstruksyon ng Torre De Manila nang maglabas ang SC ng temporary restraining order noong 2015.

Respondent sa kaso ang DMCI Homes, developer ng Torre De Manila, Pamahalaang Lungsod ng Maynila, National Commission for Culture and the Arts, National Museum at National Historical Commission of the Philippines. (Beth Camia)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji