HAHAMUNIN ni dating World Boxing Federation (WBF) International flyweight champion Mark Sales ng Davao City si undisputed Oriental and Pacific Boxing Federation (OPBF) welterweight champion Jack “The Ripper” Brubaker ng Australia sa Abril 8 sa Doltone House sa Sylvania Waters, New South Wales sa Australia.

Galing sa dalawang panalo sa huling tatlong laban ang 35-anyos na si Sales kontra kina Junard Postrano via 3rd round knockout at Joselito Campana via 4th round TKO noong Enero 21 sa Mindoro Occidental.

Natapos naman sa draw ang laban niya kay Japanese Ryuji Ikeda noong Oktubre sa Hiroshima, Japan.

Huling lumaban naman si Brubaker kay Chatri Charoensin na ginapi niya via 2nd round knockout noong December 12 sa Southern Cross Group Stadium sa Woolooware, New South Wales.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Huling naidepensa ng 25-anyos na Aussie ang korona kontra Japanese challenger Suyon Takayama noong Hulyo 25 sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Nakamit ni Brubaker ang bakanteng OPBF welterweight title via 4th round knockout kay Xing Xin Yang noong August 19, 2015 sa Hisense Arena sa Melbourne, Victoria, Australia.

Pangangasiwaan ni OPBF president Juan Ramon Guanzon, dating chairman ng Philippine Games and Amusements Board ang laban.