Mga Laro Ngayon

(San Juan Arena)

8 n.u. -- UE vs DLSU (Men)

10 n.u. -- UP vs AdU (Men)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

2 n.h. -- AdU vs UE (Women)

4 n.h. -- FEU vs UP (Women)

MAPANATILING buhay ang tsansa na makahirit sa Final Four ang pag-aagawan ng Far Eastern University at University of the Philippines sa tampok na laro ngayong hapon ng UAAP Season 79 women’s volleyball tournament sa San Juan Arena.

Ang mabibigo sa nasabing laro ganap na 4:00 ng hapon ay tuluyan nang mamamaalam sa kampanyang makasama sa semifinal.

Kasalukuyang kasalo ng National University ang FEU at UP sa ikaapat na puwesto taglay ang barahang 7-6,kasunod ng pangatlong University of Santo Tomas na may markang 8-5.

Ngunit, kahit manalo sa laro ngayong hapon, nakasalalay pa rin ang kanilang pag-asa sa UST na kailangang manalo sa NU sa huling araw ng elimination sa Sabado.

Nanaig ang FEU sa NU, 25-21, 25-21, 25-22, noong Sabado para mabigyan ng buhay ang sisinghap-singhap na pag-asa.

Upang makalusot muli sa Final Four, kinakailangang mag-step-up sina skipper Remy Palma, Bernadeth Pons, Chin-Chin Basas, at setters Kyle Negrito at Gel Cayuna.

Nais din nina Lady Maroons duo Kathy Bersola at Nicole Tiamzon na naglalaro rin sa kanilang final season na magtapos ng maganda ang kanilang collegiate career.

Sa unang laro, magtutuos ang kapwa sibak ng University of the East (1-12) at Adamson University (0-13).

Tatangkain ng Lady Warriors na duplikahin ang four-set win nila kontra Lady Falcons sa first round.

Samantala sa men’s division, tatangkain ng UP (5-8) na panatilihin ang gahiblang tsansang umusad sa Final Four kontra sa sibak na ring Adamson University (4-9) ganap na 10:00 ng umaga. (Marivic Awitan)