MOCOA (Reuters) – Patuloy ang paghahanap at paghuhukay nitong Linggo ng mga desperadong mamamayan sa kanilang mga mahal sa buhay na nawawala sa baha at mudslide sa Colombia na ikinamatay ng 254 katao.

May 82 bangkay ang natagpuan ng mga volunteer at bombero sa bayan ng Villagarzon at sinabing marami pa ang nakabaon sa ilalim ng mga putik.

“We had to recover them ourselves. We think we’ll find more,” sabi ni Villagarzon Mayor Jhon Ever Calderon sa Reuters. Aniya nauubusan na ng kabaong ang bayan at walang mapaglagyan ng mga bangkay.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na