lupe verde 11

ANG farm tourism ay isa sa mga kinakikitaan ng potensiyal na makapagpasigla ng kabuhayan ng isang komunidad at nakapagbibigay ng hanapbuhay sa mga residente, kaya isa ito sa mga pinag-uukulan ng pansin ng lokal na ahensiya ng turismo sa Quezon.

Ang farm o agritourism ay itinuturing na sunshine industry sa sektor ng agrikultura, dahil malaki ang potensiyal para maayudahan at mabigyan ng oportunidad ang mga magsasaka.

Pero bukod sa hanapbuhay, pangunahing layunin din nito na maimulat ang kamalayan ng kabataan sa pagsasaka.

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

Ayon kay Senator Cynthia Villar, na nagsusulong nito, “Hopefully, their exposure to farm life such as fruits and vegetable picking and planting, caring of farm animals and orientation on healthy eating habits will not only guide them in leading a healthy lifestyle, but also appreciate farming enough that they will consider a career in agriculture. We need to get the youth excited and interested on agriculture. Let us not scare them that agriculture is only about tilling the soil. Let us change the concept of agriculture.”

Isa sa mga tumugon sa hamon sa destinasyong pang-agritourism ang bagong tatag ng Cafe Lupe Verde, isang lugar sa Barangay Concepcion 1 sa Sariaya, at sa hangganan ng Candelaria sa Quezon na nagsisimula nang umagaw ng pansin sa mga lokal at dayuhang turista. Ang lugar na ito ay itinatag ng pamilya Alquiros, ang mag-asawang Guilly, Monette, at mga anak na sina Alfonso, ang chef, at Camille, ang tagapamahala.

Ang pangalang Lupe ay hango sa Our Lady of Guadalupe, sapagkat ang kinatatayuan ng Cafe Lupe Verde ay nasa likuran lamang ng simbahan ng Guadalupe sa naturang barangay.

Sa nasasakupang kapatagan ng restaurant ay nagtayo ng mga istrakturang lilibang sa mga dumarayong bisita. Bawat istraktura ay may makahulugang simbolo na tutumugon sa pananampalataya, pang-unlad, heritage, at pamilya. Sa likuran nito, matatanaw ang napakagandang Bundok Banahaw sa bahagi ng Sariaya at bundok ng Masalukot sa bahagi ng Candelaria.

Takaw-pansin din ang kanilang ang bagong bersiyon ng bahay-kubo.

Ayon kay Camille, ang mga muebles ay yari sa primerang klase ng kahoy na may iba’t ibang disenyo, samantalang ang mga kagamitan sa hapag-kainan ay gawa naman sa kabibi at kapis.

Bukod sa taniman ng mga gulay, maaaring pasyalan ang mga istraktura sa paligid, at matutunghayan ang hagdan ng pag-unlad na may mensahe ng sabay na paghakbang patungo sa pang-unlad sa buhay-pinansyal, pangkaluluwa, pangkalusugan, pakikipag-ugnayan sa pamilya at sa lahat ng aspeto ng buhay.

Ang isa pang istraktura ay may titulong Kampana ng kaligayahan na may mensahe naman hinggil sa mahalagang pag-akyat sa buhay.

Layunin din ng Cafe Lupe Verde na matugunan ang hinahanap na pagkaing ligtas sa masamang epekto ng kemikal. Kaya nagtatanim sila ng mga gulay na organiko na siyang inihahain sa hapag. Ang mga gulay na sangkap sa salad ay sariwang inaani bago ihanda.

Itinataguyod nila ang clean and green living. (DANNY J. ESTACIO)

[gallery ids="235081,235082,235083,235084,235085,235090,235089,235087,235086"]