Kabilang ang ilang pulis, dating drug addict, at mga kaanak ng mga biktima ng extrajudicial killings, sa 12 indibiduwal na huhugasan ng paa ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle sa Huwebes Santo, Abril 13.

Ang Washing of the Feet, isa sa mahahalagang ritwal ng Simbahan para sa Mahal na Araw, ay gaganapin sa Manila Cathedral sa Intramuros, dakong 5:00 ng hapon. Bahagi ito ng banal na misa na pangungunahan ni Tagle.

Kasama rin sa mga huhugasan ng paa ng Cardinal ang mga drug surrenderee, ilang opisyal ng pamahalaan, at mga volunteer.

Tuwing Huwebes Santo, hinuhugasan ng mga pari ang mga paa ng 12 indibiduwal upang gunitain ang paghuhugas ni Hesus sa mga paa ng kanyang 12 apostoles, bilang simbolo ng kababaang-loob at pagsisilbi sa kapwa. - Mary Ann Santiago

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist