HINDI maintindihan ni Andi Eigenmann ang papeles na dumating sa kanya na may kinalaman sa isinampang petition for joint custody at visitation rights ni Jake Ejercito sa anak nilang si Ellie na limang taong gulang na ngayon, dahil hindi naman daw ito in-acknowledge na ito ang ama sa birth certificate.

Eigenmann ang gamit na apelyido ni Ellie. 

“Yes, she’s using my name. Nagwa-wait nga ako na i-offer nila (apelyido), wala namang kumakausap sa akin,” sabi ni Andi pagkatapos humarap sa finale presscon ng The Greatest Love kahapon.

“Kaya nga nawewerduhan ako kasi may petition na kaagad siya, eh, hindi naman niya in-acknowledge na daughter niya si Ellie. Sobrang confused ako kasi powerful sila, ano ba ito, that’s why I have to get a lawyer. Pero since nag-iipon ako for building our house, nagtitipid ako, kaya ako na lang ang lawyer ng sarili ko.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nabanggit din ng aktres na solo niya ang gastos ni Ellie dahil walang financial support na nanggagaling kay Jake. Pero binanggit namin na sagot daw ng ama ang pag-aaral ng bata.

“Before kasi sa school nila nag-aaral si Ellie, but now, no more kasi ibang school na siya. Kaya lahat ako ang gumagastos,” sabi ng aktres.

Worried din si Andi na kapag naayos daw ang papeles ay baka ilayo sa kanya si Ellie.

“Sabi niya kasi dati, it’s for the best, kasi wala raw akong kuwentang nanay. So i-respect na lang natin, pero sana hindi ganu’n ang mangyari,” pahayag ng aktres.

Malaking tulong nga raw kay Andi ang boyfriend niya dahil ito ang ang naghahatid-sundo kay Ellie sa school habang araw-araw ang taping niya sa The Greatest Love.

Baka ayaw ni Jake na inaagawan na siya ng papel kay Ellie bilang ama. 

“Hello, hindi, sabi nga ni Emilio (Arambulo, boyfriend niya) na never niyang gagawin iyon at gusto nga niya kausapin si Jake para ipaliwanag na wala siyang plano na agawan siya ng puwesto,” katwiran ni Andi.

“Kaya nga nagugulat ako kasi lumalaki na si Ellie, she’s five years old, do you really think that exposing her to this kind of limelight, will be good for her?” tanong ni Andi na tila ipinararating kay Jake.

Sa ngayon, hindi raw nahihiram ni Jake si Ellie dahil hindi naman ito nakikipag-usap sa kanya, ipinapadaan sa Ate Jerika nito.

Binanggit namin ang tungkol sa nakaraang graduation day ni Ellie na sinasabi ni Jake na iniligaw niya ang petsa.

“I thought it was March 27, birthday din ni Jake, so sabi ko kay Ate Ika (Jerika), gusto rin pumunta ng nanay ko (Jaclyn Jose), but since he’s the father, siya ang pinili ko to attend kasi para masaya birthday din niya.

“Eh, nalaman ko sa teacher ni Ellie, stepmom ko, asawa ng dad ko na it’s March 24 pala. So since hindi rin naman nakipag-communicate na sila (Jake or Jerika), si nanay ko na lang pumunta kasi I only have two tickets.

“Sa rami ng iniisip ko at trabaho ko, siyempre hindi ko na na-follow up din na it’s march 24 pala ang graduation day, hello... sana nakikipag-usap sila,” paliwanag ng aktres.