Mga laro ngayon

Araneta Coliseum

4:30 p.m. Rain or Shine vs. Alaska

6:45 p.m. San Miguel Beer vs. Meralco

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Itataya ng Meralco ang kanilang malinis na baraha sa pagsalang nila ngayong gabi kontra reigning Philippine Cup champion San Miguel Beer sa pagpapatuloy ng aksiyon ngayong araw na ito sa 2017 PBA Commissioners Cup sa Araneta Coliseum.

Namumuno sa kasalukuyan ang Bolts hawak ang malinis na baharang 4-0, panalo-talo habang ngayon pa lamang muling sasabak sa laro ang Beermen pagkaraang magwagi sa kanilang ikatlong sunod na Philippine Cup title noong nakaraang buwan.

Nabigyan ng pagkakataon bilang natatanging koponan na may tsansang magwagi ng grandslam, tatangkain ng Beermen na makamit ang unang Commisioner’s Cup makalipas ang 17-taon.

At para sa naturang misyon, kinuha nila ang serbisyo ng 31-anyos na si Charles Rhodes, produkto ng Mississippi State at kilalang defensive specialist.

Beterano rin si Rhodes ng Korean Basketball League kung saan huli siyang naglaro sa nagkampeong Ulsan Mobis Phoebus.

Bagamat wala pang karanasan sa paglalaro dito sa Pilipinas,nangako itong ibibigay ang lahat ng kanyang makakayanan para matulungang maihatid ang kampeonato sa Beermen.

“I’ll bring the same thing that I’ve been bringing to all the other teams.I’m just a ferocious player,” pahayag ng 6-foot-8 na si Rhodes.

Nakatakdang masusukat ang tikas ni Rhodes sa pagtatapat nila ni Bolts import Alex Stephenson na instrumental sa naunang apat na panalo ng koponan.

Mauuna rito, isa ring maigting na bakbakan ang inaasahang matutunghayan sa pagitan ng dating namumuno at defending champion Rain or Shine at ng wala pa ring talong Alaska sa ganap na 4:30 ng hapon.

Magkukumahog na bumangon ang Elasto Painters sa natamong 83-89 kabiguan sa kamay ng Bolts kontra sa Aces na target naman ang ikaapat na sunod na panalo para manatiling nasa ikalawang puwesto.

Tiyak na mainit ang magiging tapatan nina Elasto Painters import Shawn Taggart na siguradong babawi sa nakaraan nilang kabiguan at ni dating Cleveland Cavaliers Cory Jefferson na nagpahayag ng kagustuhang maging naturalized player ng Gilas Pilipinas. (marivic awitan)