010417_LPG_Cruz-002_PAGE 2 copy

Natuwa ang mga may-ari ng karinderya sa big-time price rollback sa liquefied petroleum gas (LPG) na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis, sa pangunguna ng Petron Corporation, kahapon ng madaling araw.

Sa pahayag ng Petron, epektibo dakong 12:01 ng umaga ay nagtapyas ito ng P5.00 sa kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas, katumbas ng P55.00 na kaltas sa bawat 11-kilogram na tangke ng LPG.

Bukod pa rito ang bawas-presyong P2.80 sa kada litro ng Xtend Auto-LPG, na karaniwang ginagamit sa taxi.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Mabibili ngayon ang regular na tangke ng Gasul at Fiesta Gas ng P564 mula sa dating P619.

Asahan ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kahalintulad na price rollback sa LPG at Auto-LPG.

Ang bagong bawas-presyo sa cooking gas ay bunsod ng pagbaba ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan ngayong Abril. (Bella Gamotea)