Figure Skating - ISU World Championships 2017 - Men's Short Program

Nakasiguro ng slot sa darating na 2018 Pyeongchang Winter Olympic Games si Michael Christian Martinez matapos niyang umabot sa championship round ng kasalukuyang ginaganap na International Skating Union (ISU) World Figure Skating Championships sa Hartwall Arena sa Helsinki, Finland.

Sa ulat na nalathala sa Philippine News Agency (PNA), sinabi ni Philippine Skating Union president Manuel Veguillas na nagtala si Martinez ng iskor na 69.32 puntos upang pumasok sa Top 24 sa men’s short program competition.

Nanguna ang world champion na si Javier Fernandez na nagtala ng 109.05 puntos kasunod si Shoma Uno ng Japan (104.86 points) at 2014 Olympic silver medalist at 3-time world champion Patrick Chan ng Canada (102.13 points).

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Pumang-apat naman si Boyang Jin ng China,ang 2016 World bronze medalist (98.64 points),panglima si Olympic champion Yuzuru Hanyu ng Japan(98.39 points), pang-anim si 2017 Four Continents Champion Nathan Chen ng USA(97.33 points) kasunod si Russian Mikhail Kolyada (93.28),American Jason Brown (93.10), Kazakhstan’s Denis Ten (90.18) at Russian Maxim Kovtun (89.38).

Nauna nang lumahok si Martinez sa 2014 Sochi Winter Games at sa Sapporo Winter Games noong nakaraang buwan.

Nakatakdang manguna si Martinez sa gagawing kampanya ng Pilipinas sa Southeast Asian Games ngayong Agosto kung saan idaraos ang figure skating bilang isa sa mga event.