Walang bahid ng pagsisisi si Senator Leila de Lima sa kasalukuyan niyang sitwasyon, sinabing mas mainam na ang nangyari sa kanya kumpara sa isang tao na nawalan ng kaluluwa.
Sa kanyang sulat-kamay na pahayag mula sa Camp Crame Custodial Center sa Quezon City, sinabi ni De Lima na ang sinapit niya ay bahagi ng kanyang kapalaran at hindi niya ito pinagsisisihan.
“I’m a risk-taker. I’ve always been. I believe in honesty and authenticity. I abhor superficiality, pretentions and hypocrisy. What you see is what you get, this is far better than losing one’s soul,” saad sa kanyang pahayag.
Sinabi rin ni De Lima na hindi rin niya pinagsisisihan ang naging ugnayan nila ng kanyang driver-bodyguard na si Ronnie Dayan, na kalaunan ay pinalabas na “bagman” umano niya.
Dagdag pa niya, tanggap din niya ang ganti sa kanya mula sa mga taong nasaktan o nakabangga niya noong hindi pa siya senador. (Leonel M. Abasola)