Naalarma ang Department of Education (DepEd) sa mga kaso ng panggagahasa na kinasasangkutan ng mga estudyante at umapela sa komunidad na maging “vigilant and proactive” para maiwasan at mapigilan ang mga insidente ng pang-aabuso at diskriminasyon sa kabataan.

Naglabas ng opisyal na pahayag ang DepEd matapos ang iniulat na insidente ng panggagahasa na kinasasangkutan ng isang 12-anyos na estudyante at ng kanyang limang kaeskuwela sa Barangay Maysilo, Malabon; isang Grade 10 student at ng limang menor de edad sa Sta. Maria, Bulacan; at isang 11-anyos na estudyante at apat nitong kaeskuwela sa Ajuy, Iloilo.

Nangangalap ang DepEd – sa pamamagitan ng legal office ng mga kinauukulang Schools Division Offices – ng mga karagdagang impormasyon upang matiyak ang hustisya at rehabilitasyon sa mga batang biktima.

Bilang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na inatasang itaguyod at protektahan ang mga batang mag-aaral, umapela ang DepEd sa mga magulang at guardian na tumulong sa paggabay sa mga bata sa tamang pag-uugali.

House Sergeant-at-Arms kay VP Sara: 'Pinagbigyan pero sumobra!'

“Learners spend more or less nine hours in class, but the bigger percentage of their daily interactions and values formation occur outside school,” saad ng DepEd.

Idinagdag ng DepEd na “teachers’ commitment to instilling in children the proper values and respect for fellow people must be complemented by the guidance of parents and guardians, and by the responsibility of media and of the community.”

Idiniin ng DepEd na patuloy nitong pinaninindigan ang pagpoprotekta sa mga bata alinsunod sa Republic Act No. 7610, o An Act Providing for Stronger Deterrence and Special Protection against Child Abuse, Exploitation and Discrimination, and for Other Purposes. (MARY ANN SANTIAGO)