Mga Laro Ngayon
(San Juan Arena)
8 n.u. -- NU vs UP (Men)
10 n.u. -- UST vs DLSU (Men)
2 n.h. -- FEU vs UE (Women)
4 n.h. -- – DLSU vs UST (Women)
MAGTUTUOS ang defending champion De La Salle at season host University of Santo Tomas sa isang mahalagang laro ngayong hapon sa UAAP Season 79 women’s volleyball tournament sa San Juan Arena.
Ang Lady Spikers ang natatanging koponan na hindi pa natatalo sa second round sa nakalipas na apat na laro.
Ang panalo ng De La Salle sa muli nilang pagtutuos ngayong 4:00 ng hapon ay magbibigay sa kanila ng twice to beat incentive sa semifinals at magtatabla sa kanilang muli ng Ateneo na libre nilang mabibigyan ng parehas na insentibo kung sila ay mananalo.
Para kay Lady Spikers coach Ramil De Jesus kailangan nilang dumoble ng kayod upang makamit ang naturang Final Four bonus.
“Ang UST, talagang every game, nag-iimprove,” ani De Jesus. “Dapat paghandaan nang husto kasi isa sila sa mataas ang standing.”
Sa isa pang laban, sisikapin naman ng Far Eastern University na masawata ang kinasadlakang two-game losing skid upang makabalik sa kontensiyon sa pagsagupa nito sa University of the East ganap na 2:00 ng hapon.
Taglay ang 7-4 na marka, tatangkain ng Tigresses na umagwat pa sa sumusunod sa kanilang National University at University of the Philippines na magkasalo sa ika-4 na puwesto hawak ang barahang 7-5.
“Medyo umaangat na kami pero wala pa rin kami doon sa talaga na 80 percent. Nasa 70 to 75 percent pa lang,” ani UST coach Kungfu Reyes. “Hopefully, sa last three games namin, at least pumalo kami ng 80 percent sa iginagalaw namin.”
(Marivic Awitan)