KATHNIEL LANG_please crop copy copy

HINDI nagiging isyu ang billing sa official posters ng Star Cinema sa mga pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Ngayon lang ito napansin sa Can’t Help Falling In Love, ang pinakabagong pelikula na muli nilang pinagtatambalan.

Pero sana hindi na lang gawing isyu ng solid fans ni Daniel na parating una ang pangalan ni Kathryn.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Tiyak na may rason at paliwanag dito ang mother studio nila.

Sa Barcelona movie, dati nang ganyan ang billing nila. Pero sa previous movie nilang She’s Dating The Gangster, name ni Daniel ang nauna.

Kung sabagay, sa KathNiel love team nga, talagang una naman si Kathryn.

Hindi kami sigurado kung si Daniel ang kakanta ng theme song ng movie with the same title, pero may version ang aktor ng Can’t Help Falling In Love. Okay ang version niya, pero ang kanyang bashers at haters, walang makitang maganda sa cover niya.

Showing sa April 12 ang Can’t Help Falling In Love at palaban ang KathNiel fans dahil kung kumita ang last movie nilang Barcelona ng P322M, hihigitan daw nila ito.

Pati ang box office take na P5M sa first hour at P38M first day gross, dadagdagan pa raw nila.

Heto pa, pati ang 166 block screenings the whole time na palabas ang Barcelona dadagdagan din nila. (Nitz Miralles)