TATANGKAIN ng National University at De La Salle na manatiling matatag sa kampanya laban sa liyamadong Far Eastern University tungo sa huling dalawang round ng UAAP chess tournament.

Tangan ng Bulldogs ang 12-round total na 38 puntos, tatlong puntos ang bentahe sa Tamaraws (35 puntos), habang ang Lady Archers ay tabla sa Lady Tamaraws sa liderato sa women’s class na may parehong 39.5 puntos.

Sa pangunguna nina reigning MVP IM Paulo Bersamina at FM Austin Jacob Literatus, humugot ang NU ng 3.5-.5 panalo kontra Ateneo sa Round 12 nitong Linggo sa Henry Sy Sr. Hall sa loob ng De La Salle University campus sa Taft Avenue, Manila.

Dinomina naman ng Lady Archers, sa pangunguna ni reigning MVP WIM Bernadette Galas at WFM Marie Antoinette San Diego, ang Lady Bulldogs, 4-0.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Pinangunahan ang Lady Tamaraws nina WGM Janelle Mae Frayna at WFM Shania Mae Mendoza para sa magaan na 4-0 panalo kontra Lady Eagles.

Nakasosyo ang University of the East sa ikatlong puwesto sa University of Santo Tomas sa men’s division, 28-27.

Nangunguna naman ang Lady Warriors laban sa Tigresses sa distaff side, 25-22.5.

Gaganapin ang Round 13 sa Sabado sa Ozanam Audio Visual Room sa loob ng Adamson University campus bago magtbabalik sa Henry Sy Sr. para sa championship round sa Linggo.