Richard at Jodi copy copy

HABANG pansamantalang nanahimik si Richard Yap dahil naghihintay pa sa susunod niyang proyekto ay si Ian Veneracion ang masasabing pinakasikat na leading drama actor sa primetime teleseryes.

Pero hintayin na lang daw natin ang pagbabalik ni Richard sa telebisyon. Nakatakda na raw simulan ang kanyang bagong teleserye at siyempre, sa ABS-CBN pa rin.

Excited na raw si Richard Yap sa bagong proyekto niyang ito.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kahit mayaman na at hindi na kailangang rumaket sa telebisyon ay nami-miss ni Richard ang paggawa ng teleserye. Noong 2014 niya ginawa ang Be Careful with My Heart with Jodi Sta. Maria na umere ng mahigit dalawang taon.

Hanggang ngayon ay pinapanood pa rin ng loyal viewers ang nasabing serye sa cable channel. Sabi ng isang ABS CBN insider, kahit ilang beses nang nire-replay ay marami pa rin ang nanonood ng nasabing show.

Gagawin sana noon ni Richard ang teleseryeng Someone To Watch Over Me na pagsasamahan nila ni Judy Ann Santos with Diether Ocampo pero hindi na natuloy dahil nagbuntis si Juday at si Diether naman ay lumipad na papuntang America.

Naging abala si Richard Yap sa TV guestings at pati na sa kanyang singing career at siyempre sa mga negosyong inaasikaso nila ng kanyang asawa.

Tulad ni Ian Veneracion, mas in demand ang dalawa ngayong nasa late 40s na sila. (Jimi Escala)