KEY BISCAYNE, Fla. (AP) — Laban sa mas batang karibal, hindi natinag ang lakas ni Roger Federer.

Roger Federer (AP Photo/Luis M. Alvarez)
Roger Federer (AP Photo/Luis M. Alvarez)
Sa pagbabalik sa torneo matapos ang dalawang taong pahinga, tinalo ni Federer ang 19-anyos American qualifier na si Frances Tiafoe, 7-6 (2), 6-3, nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa Miami Open.

“I think he’s going to be really good. He’s got big shots, and I like his mindset. That goes a long way,” pahayag ni Federer.

“He stayed with me for a very long time. That can make you nervous if I wouldn’t have been so confident. So I thought it was an enjoyable match. I thought we both played very well, and both can maybe walk away from this match quite happy, which is not often the case in tennis,” aniya.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“He was rock solid,” Tiafoe said. “He didn’t give me anything.”

Tangan ang 14-1 marka ngayong 2017, kabilang ang ika-18 Grand Slam championship sa Australian Open nitong Enero, malaki ang potensyal ni Federer na maguwi muli ng titulo sa pagkawala nina six-time champion Novak Djokovic at two-time champion Andy Murray na kapwa nagtamo ng injury sa siko.

Ang posibleng humarang sa kanya ay ang kababayang si Stan Wawrinka, seeded No. 1 sa ATP Masters 1000 tournament sa unang pagkakataon. Nalagpasan niya ang opening match kontra Horacio Zeballos, 6-3, 6-4.

Nagwagi rin sina American John Isner at Sam Querrey sa straight sets, gayundin ang 19-anyos na si German Alexander Zverev.

Sa women’s play, umusad si No. 6-seeded Garbine Muguruza nang pataubin si No. 30 Zhang Shuai 4-6, 6-2, 6-2, habang pinatalsik ni American Bethanie Mattek-Sands si No. 17 Anastasia Pavlyuchenkova, 4-6, 6-0, 6-3.