INIHAYAG ni Cheryl, dating miyembro ng Girls Aloud, at partner niyang si Liam Payne ng One Direction ang pagsilang ng kanilang panganay.

Inihayag ni Cheryl noong Sabado ng gabi sa pamamagitan ng Instagram na isinilang na noong Miyerklues ang kanilang anak na lalaki na hindi pa niya nila nabibigyan ng pangalan.

“Although he still doesn’t have a name he is already stealing hearts,” aniya. “We are all madly in love and overwhelmingly happy with our little arrival.”

Inihayag ni Payne, na solo artist na rin ngayon, na siya’y “incredibly happy” at nag-post ng larawan kasama ang sanggol.

Events

Listahan ng mga nagwagi sa 2024 MMFF Gabi ng Parangal

Nakilala si Cheryl bilang Cheryl Cole noong bahagi pa siya ng Girls Aloud. Naging judge rin siya ng The X Factor, ang palabas na sinalihan ni Payne bago ito naging member ng One Direction. (AP)