CAMP RAFAEL C. RODRIGUEZ, Butuan City – Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Butuan City Police Office (BCPO) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 13 ang sinasabing hideout ng isang drug suspect at nakumpiska ang P649,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Purok Silangan, Barangay Agusan Pequeño sa Butuan City, nitong Sabado ng hapon.

Kinumpirma ni Chief Supt. Rolando B. Felix, director ng Police Regional Office (PRO)-13, ang pagkakadakip kay Melgen H. Gubaton, 19, ng Purok 7, Bgy. Bading, Butuan City, sa ikinasang buy-bust operation bandang 4:30 ng hapon nitong Sabado.

Nasamsam sa operasyon ang nasa 55 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P649,000, P1,600 cash, P1,000 marked money, timbangan at isang cell phone. (Mike U. Crismundo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog