Bukas ang Pilipinas na ikonsidera ang joint mineral exploration kasama ang China sa South China Sea kahit pa pareho nating inaangkin ang ilang teritoryo sa lugar.

Inihayag kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bukas siya sa “sharing” sa China ng mga likas na yaman sa mga teritoryo ng Pilipinas sa South China Sea matapos amining wala tayong kakayahang pinansiyal upang galugarin at gamitin ang sarili nating mineral resources on its own.

“Hindi naman ako madamot. Ang gusto kong kunin ang lahat, wala naman tayong pang-capital. Even in the rigs and everything, we cannot afford it. Baka sharing-sharing na lang,” sinabi ni Duterte sa harap ng nagtipong mga abogado sa Pasay City nitong Huwebes ng gabi.

“When you start to dig there the minerals, the riches of the bowels of the sea, kasali tayo,” sabi ng Presidente.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Kasi kalabitin ko na siya (China). ‘Di ba sinabi ko, you claim it, I claim it. So I claim now my ownership, my entitlements then we have to talk.”

Matatandaang kinatigan ng Permanent Court of Arbitration sa Hague ang Pilipinas sa usapin ng South China Sea kasabay ng pagdedesisyong walang karapatan ang China sa karagatan, na patuloy namang ayaw tanggapin ng Beijing.

‘PROBINSIYA’ NG CHINA

Sa ngayon, pinili ni Duterte na huwag munang igiit ang desisyon sa arbitration case upang tutukan ang bumubuting ugnayan ng Pilipinas at China, kasabay ng pangakong hindi niya kailanman isusuko sa Beijing ang soberanya ng ating bansa.

Idinaan din ng Pangulo sa biro ang bumubuting kalagayan ng Pilipinas at China sa pagsasabing nais ng Beijing na gawing probinsiya nito ang Pilipinas.

“Ang China naman talaga oh, gusto tayong gawain na probinsiya nila,” sabi ni Duterte, na umani ng halakhakan ng mga nanonood.

Una nang sinabi ng Pangulo na hindi siya makikipagdigmaan sa China dahil mauuwi lang ito sa maramihang pagkamatay ng mga Pilipino, at inaming hindi kayang tapatan ng Armed Forces of the Philippines ang sandatahan ng China.

PANATAG ‘DI NA GAGALAWIN

Nagpasalamat din si Duterte sa China sa pagtiyak ng huli na hindi na ito magtatayo ng istruktura sa Scarborough o Panatag Shoal, na saklaw naman ng Masinloc sa Zambales. (Genalyn D. Kabiling)