Inalmahan ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III ang pagkumpara ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa pamamaraan ng pamamahala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinatalsik na si Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Iginiit ni Pimentel na kailanman ay hindi nagdikta sa kanila si Pangulong Duterte at insulto ang sinabi ni Pangilinan.

“Iniinsulto niya yung ideologies ng party…The ideology of the President is the ideology of the party so the party’s ideology is very far from the martial law, Marcosian ideology. We were born during Martial Law to precisely fight the Martial Law regime,” ani Pimentel.

Sinabi ni Pangilinan na ang balak ng administrasyon na muling ipagpaliban ang barangay elections ay nagpapaalala sa kanya sa ideolohiya ni Marcos. (Leonel Abasola)

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist