ANG mga miyembro ng Ultimate Fighting Cock Championships ay muling maghaharap bukas sa Las Piñas Coliseum para sa 5th Leg 6-Cock Derby para sa 2017 UFCC Circuit kung saan ang nangunguna sa labanan para sa 2017 Cocker of the Year ay inaasahan na magpasok ng kanilang mga ganador upang masiguro ang tagumpay at maagaw ang korona kay 2016 COTY Engr. Sonny Lagon.

Ang 4th Leg ay lubhang naging kapana-panabik na nagtapos na may dalawang kampiyon, ang Ahluck Camsur – Ricky Magtuto at AAO – Gerry Ramos na nangibabaw kahit na pareho lamang silang naka apat at kalahating puntos.

Mag-aagawan sa titulo ang mga nasa unahan na mga lahok na sina Candelaria – Ka Luding Boongaling (16.5); J&B Kaingin CJ Monarch – Jojo Cruz (15.5); Dayang-dayang Lucena/Duhatan – Edwin Tose & Anthony Lim (14); Fiscalizer – Eddie Boy Villanueva & Fiscal Villanueva (13.5) at nasa ikalimang pwesto naman ang Sta. Maria Abada/GR – Raymond Burgos & Gerry Ramos.

Sa pagtataguyod ng Thunderbird Platinum; Resorts World Manila at Solaire Resorts & Casino, ang 2017 UFCC Cock Cicuit ay mayroon pang dalawang natitirang yugto sa Marso 30 (6-cock), samantalang ang pagtatapos na 7-cock derby ay gaganapin sa Abril 22.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA