BREAK na nga ba ang magka-love team, pero hindi naman umaamin sa kanilang relasyon, na sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia?
Almost two years na silang magka-love team. Sa Encantadia, nagsimula sila sa role bilang mag-asawa na nagkaroon ng twist dahil nawala si Alena (Gabbi) sa istorya at naiwanang mag-isa si Ybarro (Ruru). Nalaman din ni Ybarro na siya ang ama ng anak ni Reyna Amihan (Kylie Padilla), at na-in love sa isa’t isa.
Kaya nahati ang fans ni Ruru, nagkaroon ng grupo para sa kanila ni Gabbi at may grupo rin na supporters nila ni Kylie. Humantong sa tampuhan ng fans ang sitwasyong ito.
Alam na nating nawala na si Amihan (dahil nabuntis nga si Kylie sa tunay na buhay), at si Alena naman ay mas ginustong mag-isa na lamang at ayaw sumama sa mga kapatid na Sang’gre na sina Danaya (Sanya Lopez) at Pirena (Glaiza de Castro). Kaya nang magkaroon ng kapalit ang character ni Amihan, naging reincarnation niya si Ariana (Arra San Agustin) ng tribong Punjabwe. Simula pa lamang sa unang pagkikita nina Ariana at Ybrahim, iba na ang naramdaman ng huli, naging malapit agad ang damdamin niya rito. Kaya lalo pang napalayo si Ybrahim kay Alena.
Ang sitwasyong ito agad ang itinanong kay Ruru sa press visit sa set ng Encantadia. At kung totoo nga bang break na sila ni Gabbi.
Kung sa roles daw nila bilang sina Ybrahim at Alena, hiwalay na talaga sila pero sa personal na buhay ay wala raw hiwalayang nagaganap.
“Pareho lang po talaga kaming busy ngayon ni Gabbi, kaya wala kaming time na magkasama,” sabi ni Ruru. “Medyo strict din po ang parents ni Gabbi at mas priority niya ang kanyang career at family. Pero hindi na po mawawala ang love ko sa kanya.”
Pero nili-link siya ngayon kay Arra. Totoo ba ang tweets ng fans na si Arra na ang gusto niya ngayon?
“Arra is gorgeous. Nakatrabaho ko na siya sa Karelasyon pero maikli lang ang role niya roon, pero nagandahan na ako sa kanya. Ngayong nalaman kong kasama na siya rito sa Encantadia, lalo akong na-curious sa kanya. Lalo siyang gumaganda habang tumatagal mo siyang tingnan. Masaya siyang katrabaho. Mahusay siya at kung mapu-push siya sa acting mas huhusay pa siya.”
So, si Arra nga kaya ang dahilan kaya may intrigang break na sila ni Gabbi?
Arra is 21 years old at graduate ng BS in Psychology sa La Salle Taft. Hindi muna siya mapapanood sa Bubble Gang habang nasa Encantadia pa siya. Naranasan na rin niyang ma-bash, nang malamang siya ang papalit kay Kylie bilang si Ariana, pero hindi na lang niya pinansin. Mas nagku-concentrate siya sa martial arts training niya para sa kanyang role bilang isa sa mga tagapangalaga ng mga brilyante ng Lireo.
Hindi pa niya alam kung magkakaroon nga sila ng love angle ni Ruru sa telefantasya.
Napapanood ang Encantadia gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras. (NORA CALDERON)