Labingsiyam (19) na taong pagkakakulong ang inihatol ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) sa opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kaugnay ng kasong malversation, kinumpirma kahapon ng Office of the Ombudsman.

Ayon sa Ombudsman, napag-alaman na ibinulsa ni Angelica Fajardo ang bahagi ng P3 million cash advance na ibinigay sa kanya na nakalaan para sa sweepstakes at lotto low-tier prizes, kabilang ang scratch-it prizes.

Pinagbabayad din siya ng P1.8 milyon bilang multa.

Sabi ni PCSO Assistant General Manager for Finance Betsy Paruginog, nakatanggap siya ng dalawang reklamo noong Nobyembre 2008 kaugnay ng hindi pagbayad ng prize payment division sa winning scratch-it tickets sa tamang oras.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nang kumprontahin ng audit team tungkol sa nawawalang pera, inamin ni Fajardo ang kanyang pagkakamali, at nag-alok na magbabayad paunti-unti.

Ayon kay RTC Judge Tita Marilyn Payoyo-Villordon, “the prosecution was able to prove that the accused being the OIC division chief of the prize and payment division actually misappropriated the missing funds and that the accused cannot offer sufficient explanation for the loss of the same.” (Jun Ramirez at Jun Fabon)