HINIMOK ni Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Ramon ‘El Presidente’ Fernandez ang mga local government units (LGUs) na pagtuunan ng pansin ang lima hanggang 10 sports na sa palagay nila ay may malaking kakayahan ang kanilang mga atleta.

Ayon kay Fernandez, ang ganitong panuntunan ay pinagtutuunan na rin ng pansin ng ahensiya upang masiguro na makakamit ng bansa ang matagal nang pangarap na gintong medalya sa Olympics.

“Hindi kailangang lahat ng sports subukan natin. Mag-focus lang sa lima hanggang 10 sports na alam ninyong may malaking potensyal. From then, tutulong kami para mas ma-develop natin ang atleta,” sambit ni Fernandez.

Inihalintulad ng PBA icon at four-time MVP ang diskarte ng mga bansang Africa tulad ng Kenya at Jamaica.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

‘Kenya and Jamaica concentrated in running sports. Dominated ng Kenya ang marathon for so many years. At walang makatapat sa Jamaican runners,” sambit ni Fernandez.

Aniya, matagal nang panahon na nangingibabaw ang Pilipinas sa boxing at athletics, habang nakakasabay na rin ang Nationals sa iba pang sports at kung matutugunan nang tama ang kanilang pangangailangan malaki ang potensyal na makasungkit ng gintong medalya sa Olympics.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Fernandez na tinatahak ang ganitong programa ng Cebu at Zamboanga Del Sur.

“Cebu has about 10 priority sports, same with Zamboanga del Sur which has a sports academy at meron silang 10 priority sports,” pahayag ni Fernandez.

“We suggested to them na mamili sila ng priority sports, mga five to 10, depende sa kakayahan nila.

“Each town should have a sports program. Kung sino ‘yung magagaling sa inter-town, dadalhin sa mga provincial meets,” aniya.

Binuhay ng PSC ang Philippine Sports Institute (PSI) kung saan nakapalood dito ang pagsasanay ng mga coach at trainors para mangasiwa sa grassroots sports development programa.