LIZA copy copy

TRENDING sa social media ang survey sa mga artista na gustong gumanap bilang Darna sa bagong pelikulang gagawin ng Star Cinema tungkol sa paboritong Pinoy superhero.

May nag-post ng photoshopped pictures na naka-Darna costume ang mga kilalang celebrity at tinanong ang netizens kung sino ang pinakabagay na Darna.

Umabot sa 20,000 ang nag-like kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach; 9,000 naman kay Liza Soberano; at ang nakakagulat ay ang 2017 Pinoy Big Brother Grand winner na si Maymay Entrata na may 8,700 votes.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Dinaig pa ni Maymay sina Anne Curtis, Sarah Geronimo, Kim Chiu, Maja Salvador, Karylle, Arci Muñoz, Jessy Mendiola, Yassi Pressman, Nadine Lustre, Cristine Reyes, Kathryn Bernardo at Bea Alonzo.

Kung si Angel Locsin ang tatanungin ay may napipisil daw siya kung sino ang puwedeng humalili sa kanya bilang si Darna, pero siyempre, ang management pa rin ng ABS-CBN at Star Cinema ang magdedesisyon.

Ayon sa source namin, sa homegrown talent ng ABS-CBN ibibigay ang most coveted role. So, malabo na palang makuha ang Viva artists na sina Sarah, Arci, Yassi, Nadine, Cristine at Anne?

Anyway, kung sino ang makakapasa sa training at maliksing kumilos, ‘yun ang tiyak ang gaganap na Darna.

(REGGEE BONOAN

)