one copy

MAIGTING ang paghahangad ni Kevin “The Silencer” Belingon na maipanalo ang nakatakdang laban kontra Toni ‘Dynamite’ Tauru ng Finland hindi lamang dahil saksi ang mga kababayan bagkus ang maiganti ang kabiguan ng kaibigan at Team Lakay member na si Geje “Gravity” Eustaquio.

Nakuha ni Tauru ang unang panalo sa ONE FC nang gapiin si Eustaquio sa ONE: AGE OF DOMINATION noong Disyembre.

Ginamit niya ang bentahe sa laki para maitala ang rear-naked choke para sa panalo.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa harap ng mga kababayan sa Abril 21 sa MOA Arena, target ni Belingon na maipatikim kay Tauru ang pait ng kabiguan sa kanilang pagtutuos sa undercard ng ONE: KINGS OF DESTINY.

“It’s not personal to me. Winning and losing are part of this beautiful sport. However, in this fight, he will face a natural bantamweight fighter. Geje is not a natural bantamweight. This time it will be an even playing field. Let’s see what he can do against me,” pahayag ni Belingon.

Isang lehitimong bantamweight fighter si Belingon mula nang sumabak sa MMA noong 2009 kung saan naitala niya ang 19 panalo.

Tangang ang ONE record 14-5, kilala si Belingon na matikas na fighter tampok ang limang panalo sa knockout.

“I’ve been a staple of this weight class for a long time. I’ve fought the best of the best. I know Toni Tauru’s caliber as a fighter. I am not taking this fight lightly. My focus is on walking away with my name being announced as the winner,” sambit ni Belingon.

“I am training with other Team Lakay standouts who are taller than me. I need to get used to it because Toni Tauru is long and rangy. He uses his length to his advantage,” aniya.

“Toni Tauru should be fully prepared for this fight. He may be taller than me, but I am going to come in there. He needs to stop what I am bringing.”