Iginiit kahapon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na hindi dapat talikuran at itakwil ng publiko ang mga taong nalulong sa ilegal na droga.

Ito ang mensahe ni Tagle sa paglulunsad ng “Sanlakbay sa Pagbabago ng Buhay,” isang programa ng Simbahang Katoliko na tumutulong sa mga drug surrenderer o drug dependent na nagkusang sumailalim sa healing, restoration, at rehabilitation.

Ayon kay Tagle, hindi dapat maliitin ang kakayahan ng isang tao na magbago, gayundin ang himala na maaaring gawin ng Panginoon para sa kanila.

“Stop saying that they are useless and can be thrown away. We do not know what God will do. Maybe in His hands a miracle will happen,” ani Tagle. (Mary Ann Santiago)

Pelikula

Ogie Diaz, nakikita katauhan ni Arnold Schwarzenegger kay Arjo Atayde