MAY kasamang tuwa ang pagkagulat ng nanonood ng Meant To Be sa episode last Monday nang biglang umapir sa teaser si Janno Gibbs. Gagampanan ni Janno ang role ng ex-boyfriend ni Maymay (Manilyn Reynes) at may kilig ang pagpasok niya sa rom-com series dahil in real life, naging ex-girlfriend niya si Manilyn.

Natatandaan pa namin na ang daming nagalit kay Janno nang mabuking na pinagsabay niya sina Manilyn at Bing Loyzaga.

In the end, si Bing ang pinakasalan niya.

Si Manilyn naman, naging boyfriend si Keempee de Leon, ang gumaganap na husband niya sa Meant To Be. Hindi rin sila nagkatuluyan sa totoong buhay, nanatiling binata si Keempee, pero may anak. Si Manilyn naman, nagpakasal kay Aljon Jimenez.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Naaliw lang kami sa comment ng viewers na para silang nanonood ng That’s Entertainment sa Meant To Be dahil kasama rin sa cast sina Tina Paner at Sheryl Cruz. Request nila kay Direk LA Madridejos at sa GMA-7, ipasok na rin si Romnick Sarmenta at ipareha kay Sheryl Cruz. Para may makapareha si Tina, ipasok na rin daw sina Cris Villanueva at Ramon Christopher na parehong naging ex ni Tina.

Ang gusto naming malaman ay kung nag-expire na ang kontrata ni Janno sa TV5 kaya libre na siyang mag-guest sa GMA-7? O baka simula na ang Meant To Be para maging Kapuso talent uli siya.

Kung may kontrata pa si Janno sa TV5, nakakatuwa na pinayagan nilang lumabas sa ibang network ang singer/actor.

(NITZ MIRALLES)