Chuck Berry (AP Photo/Patrick Semansky)
Chuck Berry (AP Photo/Patrick Semansky)
NEW YORK (AP) -- Pumanaw na si Chuck Berry,  ang founding guitar hero  ng  rock ‘n’ roll at storyteller na nagbigay-kahulugan sa ligaya at rebelyon sa musika sa mga klasikong tulad ng Johnny B. Goode, Sweet Little Sixteenat Roll Over Beethoven, nitong nakaraang Sabado sa kanyang bahay sa St. Louis. Siya ay 90.

Dumating ang emergency responders sa bahay ni Berry nang tumawag ang kanyang caretaker dakong 12:40 ng hapon at naabutan siyang hindi na humihinga, pahayag ng pulisya ng St. Charles County, Missouri. Nabigo ang mga pagsisikap na i-revive si Berry, at idineklara siyang patay dakong 1:30 PM.

Hindi matatawaran ang impluwensiya ni Berry sa musika, mula sa Beatles at Rolling Stones hanggang sa mga sumunod na grupo mula sa garage band hanggang sa arena act.

“Just let me hear some of that rock ‘n’ roll music any old way you use it I am playing I’m talking about you. God bless Chuck Berry Chuck,” tweet ng drummer ng Beatles na si Ringo Starr, na sumipi ng ilang liriko sa pinasikat na awitin ni Berry.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Kung si Elvis Presley ang nagbigay ng libidinous, hip-shaking image sa rock, si Berry naman ang direktor, na siyang gumawa ng template ng bagong tunog at paraan ng pamumuhay.

“Chuck Berry was a rock and roll original. A gifted guitar player, an amazing live performer, and a skilled songwriter whose music and lyrics captured the essence of 1950s teenage life,” saad sa pahayag ng The Rock & Roll Hall of Fame.

Bago pa man sumikat si Bob Dylan, pinagsama na ni Berry ang social commentary sa tugtog at bilis ng popular music.

“He was singing good lyrics, and intelligent lyrics, in the ‘50s when people were singing, ‘Oh, baby, I love you so’,” minsa’y sinabi ni John Lennon.

“Everything I wrote about wasn’t about me, but about the people listening,” sabi noon ni Berry.

Si Charles Edward Anderson Berry ay isinilang sa St. Louis noong Oktubre 18, 1926. Tulad ni Johnny B. Goode, sinabi ng kanyang ina na balang araw ay sisikat siya.

Nagsimula ang kanyang musical career sa edad na 15 nang itanghal niya noong high school siya ang kanyang bersiyon ng Confessin’ the Blues ni Jay McShann. Hindi nakalimutan ni Berry ang palakpakang kanyang natanggap.

“Long did the encouragement of that performance assist me in programming my songs and even their delivery while performing,” saad niya sa kanyang autobiography.

Ang unang sumikat na awitin niya ay ang Maybellene. Sinundan ito ng marami pang pumatok na kanta gaya ng Roll Over Beethoven, School Day at Sweet Little Sixteen. Ang iba pa niyang awitin ay ang Too Much Monkey Business, Nadine, ‘No Particular Place To Go, Almost Grown at My Ding-A-Ling.

Kinanta ng mga  sikat na country, pop at rock  artist ang kanyang mga awitin, kabilang ang Beatles (Roll Over Beethoven), Emmylou Harris (You Never Can Tell), Buck Owens (Johnny B. Goode) at AC/DC (School Days). Ang unang single ng Rolling Stones ay cover ng Come On ni Berry at itinanghal din nila ang kanyang Around and Around, Let it Rock at iba pa. Naging inspirasyon din ang musika ni Berry ng maraming awitin gaya ng Brown Sugar ng Stones, hanggang sa Peaceful Easy Feeling ng Eagles.

Hiniram ng Beach Boys ang  melody ng Sweet Little Sixteen para sa kanilang surf anthem na Surfin’ U.S.A., ang Come Together ng Beatles ay katunog din ng You Can’t Catch Me ni  Berry.

“Chances are you have talent,” saad ni Berry noon. “But will the name and the light come to you? No! You have to go!”