MARIING itinanggi ni Ronnie Alonte ang matagal nang kumakalat na isyung may relasyon daw sila ni Vice Ganda.

Kung noong una ay sa naba-blind item lang ang tungkol dito, kalaunan ay tinutukoy nang si Ronnie raw ang bagong karelasyon ng unkabogable star. Siya raw ang dahilan kaya masaya ang mundo ng host ng It’s Showtime at Gandang Gabi Vice.

Tahasan nang tinapos ni Ronnie ang isyu at diretsahang binanggit na wala silang relasyon ni Vice kundi purely friendship lang at lalong hindi rin daw totoong nagsasama sila sa iisang bubong.

Kahit baguhan daw siya sa showbiz, aware siya na kapag nakita ang isang aktor na kasama ang isang gay ay may mga malisyosong agad mag-iisip na may relasyon ang dalawa.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Ganu’n naman talaga sa showbiz, di ba? Makita ka lang nila na may kasamang gay, may malisya na agad sa kanila ‘yun, Pero sinasabi ko naman sa mga followers ko na walang katotohanan ‘yun,” sey ng aktor.

Wala naman daw siyang magagawa kung may mga taong naniniwala agad sa walang katotohanang balita.

“Hindi mo na naman agad mai-explain sa lahat lalung-lalo na sa mga bashers kung ano talaga ang totoo. Kung ano ang nakarating sa kanila, eh, ‘yun agad ang pinaniniwalaan nila, so, ano’ng magagawa ko, di ba?” say ni Ronnie na overhelmed sa matagumpay na career niya.

Kahit natsitsismis, hindi naman daw nagkaroon ng problema ang samahan nila ni Vice.

“Sobrang okay kami ni Vice, sa lahat ng mga nakakasalamuha ko na same ni Vice, sobrang okay lahat, mabait sila sa akin at patuloy nila akong sinusuportahan,

“Mabait ako sa kanila, mabait sa akin si Vice, magkaibigan kami at wala po kaming relasyon,” mariing paliwanag ni Ronnie. (Jimi Escala)