LIMA (AP) – Nararanasan ng Peru ang pinakamalalang ulan, baha at mudslide sa loob ng mahigit dalawang dekada. Apektado nito ang mahigit kalahati ng bansa at umakyat na sa 72 ang bilang ng mga namatay ngayong taon, sinabi ng mga awtoridad.

Ang hindi pagkaraniwang ulan ay kasunod ng serye ng mga bagyong tumama sa hilaga ng Peru, binaha ang mga ospital at naihiwalay ang maliliit na pamayanan. Ito ay bunga ng pag-init ng tubig sa Pacific Ocean at inaasahang magpapatuloy hanggang sa susunod na dalawang linggo.

Sinabi ni Prime Minister Fernando Zavala nitong Sabado na 72 na ang namatay sa mga pagbaha. Hindi na rin napigilan ang pagmahal ng mga bilihin.

Sa rehiyon ng Lambayeque, sinamantala ng 22 preso sa isang juvenile detention center ang ulan at tumakas. Sa lungsod ng Trujillo, pinasok ng tubig ang sementeryo at tinangay ng agos ang mga buto ng tao sa mga kalsada. Maging sa Lima, ang kabisera ng bansa na bihirang ulanin, ay bumabaha rin kayat lumikas na ang ilang residente.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture