ANGELICA LANG_please crop copy

SI Angelica Panganiban ang isa sa ating mga aktres na naniniwala sa edukasyon. Hindi naman talaga garantiya na porke’t left and right ang trabaho ngayon ng isang artista, tuluy-tuloy na ito habang buhay.

Maraming sikat na showbiz personalities ang “nalunod” sa kasikatan at nakalimutang paghandaan ang kinabukasan, kaya ngayo’y humuhugot ng linyang “kung maibabalik ko lang ang panahon...”

Kaya kahit super-busy si Angelica, sinisikap niyang maipagpatuloy ang kanyang edukasyon at matapos ang culinary course na kanyang kinukuha.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Bakit nga ba siya bumalik sa pag-aaral?

“Matagal ko na kasi siyang gustong gawin and ang naisip ko naman noon p’wede ko siyang simulan ng January habang wala pang definite dates kung kailan talaga magsisimula ang trabaho. So far, ‘yun lang naman ang kailangan, eh, ‘yung talagang masimulan mo, ‘tapos tapos na ‘yung usapan dire-diretso na ‘yun,” sabi ni Angelica nang humarap sa sa presscon ng Victims of Love na isa siya sa mga bida.

Maayos na time management lang naman daw ang kanyang kailangan.

“’Yun naman every weekend ‘tsaka lahat naman ng ginagawa ko na pangpersonal, eh, alam naman ‘yan ng management ng ABS-CBN. Hindi ko naman papasukin ang isang bagay na wala silang go signal. Every weekend may school ako,” kuwento ng aktres.

“Nito lang January, nag-start akong bumalik sa culinary and hayan, tuluy-tuloy pa rin siya hanggang ngayon. Thankful naman ako dahil pumapayag naman sila na makatrabaho pa rin ako kahit na may mga personal akong gustong gawin for myself,” pagtatapos ng aktres. (ADOR SALUTA)