PUNUNG-PUNO ng ginintuang alaala ang pagdiriwang ng 50th anniversary ng Vicor na ginanap sa Philippine Stock Exchange Commission auditorium sa Ortigas Center kamakailan.

Dekada 70 nang itatag ng magpinsang Vic del Rosario at Orly Ilacad ang kompanyang nagpabago sa takbo ng local music industry. Naging pangunahing layunin nila ang pagtataguyod sa Original Pilipino Music (OPM).

Mahaba ang listahan ng mga singers na pinasikat ng Vicor. Kabilang dito sina Pilita Corrales, Helen Gamboa, Tirso Cruz III, Didith Reyes, Rico Puno, Rey Valera, Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, Sharon Cuneta at maraming iba pa.

December, 1977 nang maghiwalay sina Vic at Orly. Nagtayo ng sariling record compay si Orly (OctoArts) at pagpoprodyus naman ng pelikula ang matagumpay na pinasok ni Vic sa pamamagitan ng Viva Films.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa gabi ng pagdiriwang ay inilunsad ang coffee table book entitled The Vicor Story: Celebrating 50 Years. May exclusive articles ng pagbabalik-tanaw ng ilang sikat na artist sa kanilang mga karanasan bilang recording artists under Vicor.

Ang isa pang highlight ng pagdiriwang ay ang pag-awit ng medley of hits ni Martin Nievera during his Vicor days at pasasalamat sa sales at promo girls na naroroon sa sama-samang pagpo-promote ng produkto. Noon at ngayon ay hindi pa rin mapapantayan ang version ni Martin ng kanyang klasikong Be My Lady. (Rem y Umerez)