kAYE copy

PAGKATAPOS ng apat na taon simula nu’ng sumali sa Pilipinas Got Talent Season 1 ang Ezra Band mula sa Davao del Sur ay ngayong taon lang naisip ng bokalistang si Kaye Cal na gumawa ng sariling album.

Sa album launching ni Karen Jade Cal (ito ang tunay na pangalan niya), ipinaliwanag niyang, “After po kasi ng PGT, siyempre nasa banda pa ako, so parang hindi ko pa alam kung ipu-pursue ko ba (ang singing career) o babalik na lang ako sa Davao. After kong makapag-isip, nakapag-decide na akong i-pursue, doon na ako nag-decide to work with Star Music.”

Sa walong awiting nakapaloob sa self-titled album ni Kaye Cal ay apat ang sinulat niya, ang Mahal Ba Ako ng Mahal Ko, Rosas, Walang Iba at Isang Araw. Kasama rin ang revivals songs na Ikaw Lang ni Chad Borja, Why Can’t It Be ni Rannie Raymundo, Kung Ako Na Lang Sana na sinulat ni Soc Villanueva na kinanta nina Maya at Michael Pangilinan at Give Me a Chance ni Ric Segreto at komposisyon ni Odette Quesada at ang Nyebe na sinulat ni Aries Sales.

Human-Interest

Babaeng guro sa Batanes na 'buwis-buhay' na umaakyat sa flagpole, pinarangalan

Isa rin si Kaye sa producers ng sariling album kasama sina Jonathan Manalo at Rox Santos for Star Music.

Dagdag paliwanag ni Rox kung bakit natagalan magkaroon ng album si Kaye:

“Noong time kasi ng 2013, pino-produce ko ‘yung album ni Daniel Padilla na DJP, may isang song kasi ro’n na sinulat si Kaye noon sa PGT na Walang Iba, ipinarinig at ipinagawa namin iyon kay Daniel.

“Si Sir Roxy (Liquigan) na head ng Star Music ay tinatanong niya kung nasaan na si Kaye kasi we’re trying to license the song. ‘Tapos ‘pinahanap siya ni sir Roxy kasi naniniwala talaga sa kanya, gandang-ganda talaga si Sir Roxy sa boses niya, hanapin daw namin at si Jonathan ang nakahanap sa kanya.

“So kung papayag siyang ipa-license ‘yung kanta niya for Daniel, isabay nang i-meeting for certain projects na papasok sa kanya. So doon namin pinasok sa OPM hits na Isang Araw, hanggang sa nagtuluy-tuloy na at naging finalist siya sa Himig Handog and then pumasok sa We Love OPM and we decided na gawan na siya ng solo album, so iyon ang kuwento niya.”

Ano ang pagkakaiba ng voice quality ni Kaye kina Aiza Seguerra at Charice Pempengco?

“Siguro po, kakaiba kasi hindi the usual na girl or boy, ‘yung voice ko, minsan nako-confuse ‘yung mga taong nanonood at nakikinig, feeling ko, naging advantage po siya,” paliwanag ni Kaye.

Hindi rin daw particular si Kaye kung ano ang itatawag sa kanya, puwedeng ‘sir’... “Opo, minsan kinokorek ko sila, minsan hindi na.”

So, paano i-address si Kaye, she or he?

“Shem,” natawang sagot niya, sabay sabing, “she pa rin kasi hindi pa naman ako trans(gender). (Reggee Bonoan)