KRIS copy

NAURONG pala sa Abril 9 ang airing ng travel themed TV special ni Kris Aquino na Trip ni Kris. Marso 26 ang original airing date sa GMA-7 ng show, pero ibinalita ni Kris sa Instagram kahapon ang bagong petsa ng pag-ere ng show.

“April 9 -- FYI. News was confirmed by my producer Ms. Dory Morales,” post ni Kris.

Ang hindi nabago ay ang time slot dahil after Kapuso Mo, Jessica Soho pa rin ang airing nito.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nakaganda para sa show ang bagong airing date dahil mas mapapaganda pa ang post-production at pag-i-edit. Sa rami ng pinuntahan ni Kris at na-feature, magkasya kaya lahat ‘yun sa dalawang oras na show?

Hopefully, magkaroon pa ng kasunod lalo’t ginanahan si Kris sa pagbabalik niya sa trabaho.

“It took 11 months of not having long road trips, being outdoors in extreme heat, and 16 hour shoot days for me to be so very grateful to be back doing what I love -- na miss ko the sense of discovery, learning and sharing in the lives, stories, and experiences of other Filipinos. For no, DEDMA na sa lack of sleep & exhaustion,” post ni Kris sa experience niya sa pagbabalik sa trabaho na mahal na mahal niya. (NITZ MIRALLES)