Nilinaw ng Commission on Audit (CoA) na walang nilabag na batas si Pangulong Rodrigo Duterte nang aminin nito kamakailan na may nagregalo sa kanya ng mamahaling sasakyan.

Ayon kay Assistant Commissioner Ariel Ronquillo, hindi naman tinanggap ng Pangulo ang iniregalong Mercedes-Benz, na ngayon ay nakaparada sa Presidential Security Group (PSG) Compound sa Malacañang.

Dahil hindi tinanggap ni Duterte ang sasakyan, nangangahulugan ito na hindi nagkaroon ng transfer of ownership at walang nilabag na batas ang Pangulo kaya’t wala siyang dapat na panagutan.

Sinabi ng Pangulo na kung tinanggap niya ang regalo ay wala na siyang moral authority para punahin ang mga tiwaling opisyal at kawani ng pamahalaan. Tiniyak din niya na hindi kukunsintihin ang anumang uri ng kurapsiyon sa kanyang administrasyon. (Rommel P. Tabbad)

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon