GAGANAPIN ang Dance Sport Council of the Philippines (DSCPI) 1st Quarter Ranking and Competition sa Sabado sa Philsports Multi-Purpose Arena (Ultra) sa Pasig City.

Sinabi ni DSCPI president Becky Garcia na kabuuang 272 Dance Sport athletes sa bansa ang sasabak sa ranking competition na suportado ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Flawless, Aficionado, Organique /Acai Berry, Studio 116 Dance School, Retro DCG-FM 105.9, Caruso Ristorante Italiano at The Greenery Bulacan.

Magsisilbing hurado sina World DanceSport Federation licensed adjudicators Roger Hou ng Taipei, Sau Bee Kee “Maggie” ng Malaysia, Joshua Low ng Singapore, Alberto Jorge Rodrigues ng Portugal, Tomohiro Tamaoki ng Japan at Heinz Hermann Spaeker ng Germany,

Mabibili ang ticket sa Dance Sport Training Center, Philsports Complex, Meralco Avenue, Pasig City , gayundin sa mga gate ng Philsports. Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan kay Anna o Lorien sa tel. blg. 637-2314.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!