WINALIS ng San Beda College ang elimination round para makausad sa semis ng 2017 SM NBTC National High School Championship Division 1 sa MOA Arena sa Pasay City.

Matapos ungusan ang Filam Sports USA, tinalo ng Red Cubs ang AusPinoy One Solutions ng Australia, 68-44, para makumpleto ang elimination round sweep.

Nagtala si Germy Mahinay ng 11 puntos at walong board para pamunuan ang San Beda kontra sa mga Australians.

Umusad naman sa semifinals ng Division 2 ang St. Jude College ng Cavite ng kanilang walisin.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Kabilang din sa mga nakausad sa semis ng Division 1 ang Far Eastern University -Diliman at Mapua habang nakausad din sa Division 2 ang defending champion La Salle Lipa. (Marivic Awitan)