Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon na inaalam na nila kung tunay ngang mga Pilipino ang limang indibiduwal na inaresto ng Royal Malaysian Police na diumano’y sangkot sa teroristang grupong Islamic State (IS).

Inatasan ni DFA Spokesman at Assistant Secretary Charles Jose ang Philippine Embassy sa Kuala Lumpur na humingi ng tulong upang matukoy ang tunay na nasyonalidad ng limang indibidwal.

“The Philippine Embassy in Kuala Lumpur has requested further information from the Royal Malaysian Police on the alleged link of the five arrested individuals with militants in Mindanao,” sinabi ni Jose. “The Embassy has also asked for details on the nationalities of the five arrested individuals.”

Batay sa inisyal na impormasyon mula sa Royal Malaysian Police, walang hawak na Philippine passport o anumang dokumentong magpapatunay sa pagkakakilanlan ang limang suspek na inaresto nitong Lunes.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aniya, kapag napatunayang mga Pilipino nga ang mga ito, pagkakalooban sila ng libreng legal assistance ng embahada.

(PNA)