120317_TRINOMA FIRE_03_BALMORES copy

Nilamon ng apoy ang ilang bahagi ng Trinoma Mall sa EDSA sa Quezon City kahapon.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na habang isinusulat ito ay tulung-tulong na inaapula ng Quezon City firefighters.

Sa pahayag ni QC Fire Department chief Senior Supt. Manuel Manuel sa Balita, nagsimula ang apoy sa storage room ng appliances na matatagpuan sa unang palapag ng mall, dakong 2:22 ng hapon.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Aniya, inaalam pa rin nila ang sanhi ng insidente dahil nahihirapan silang pasukin ang lugar.

“Mahirap pasukin, kasi mausok...walang apoy, puro usok,” ayon kay Manuel.

Base sa report, gumagawa na ng paraan ang mga awtoridad upang masagip ang isang empleyado na nakulong sa loob ng storage room.

Ipinasara ng mga opisyal ang nasabing mall upang tuluyang maapula ang apoy.

Sa isang pahayag, sinabi ng management na: “Landmark Department and Trinoma’s North Avenue wing have been evacuated. Trinoma is working with the Landmark management to ensure the safety of customers and employees.”

(VANNE ELAINE P. TERRAZOLA)