ATIMONAN, Quezon – Tatlong katao, kabilang ang isang 13-anyos na estudyante, ang nasawi makaraang salpukin ng truck ang sinasakyan nilang tricycle sa Barangay Malinao Ilaya sa Atimonan, Quezon, nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawing sina Icel Peña Potaso, 13; Mary Rose M. Hernandez, 28, dalaga; at Joel A. Moresca, 41, tricycle driver, pawang taga-Bgy. Sta. Catalina, Atimonan.

Naaresto naman ng mga rumespondeng pulis si Rene V. Pelayo, 36, binata, driver ng Mitsubishi Super Great drop side truck (AAV-6517), at residente ng Bgy. Dalayap, Candaba, Pampanga.

Ayon sa report, bandang 11:30 ng umaga at minamaneho ni Pelayo ang truck, na kargado ng feeds, papuntang Bicol nang mawalan ng preno ang sasakyan hanggang sumalpok sa tricycle ng mga biktima. (Danny J. Estacio)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?