LA PAZ, Tarlac – Pinaniniwalaang mga miyembro ng “Tutok Gang” ang nangholdap sa dalawang palay buying station sa Barangay Lara, La Paz, Tarlac, nitong Biyernes ng tanghali.

Sa imbestigasyon ni PO1 Alexander Gragasin, hinoldap ng mga suspek sa palay station sina Robert Dela Cruz, 43, may asawa, ng Bgy. Sierra; at Romano Olor, 28, helper, at natangayan ng mahigit P50,000 cash, credit card, cell phone na nagkakahalaga ng P78,000 at mahalagang ID.

Hinoldap din ng mga suspek si Edgar Guillermo, 44, may asawa, ng Bgy. San Isidro, La Paz, at nakuha rito ang mahigit P65,000 cash. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog